First Week in Calgary

DAY 1:
Upon landing in Calgary at around 9am, I noticed how sunny it was. Nagpustahan pa nga kami ni Faye kung gaano kalamig sa labas eh. I mean, the coldest that we can think of is parang Tagaytay or Baguio. But no... para kang tumambay sa frozen section sa SouthSupermarket sa Alabang. As in 2x ng gabi sa tagaytay. Na-shock nga yung utak ko at hindi nya matanggap na this sunny can be so cold.

Sinundo kami ng new found friends ni Mommy (via connections sa CFC). We had lunch sa house ni Ate Josie (dating officemate ni mommy) and natuwa kami sa real food. kakasawa na kasi yung pagkain sa airplane eh.

Then we went to our house na. We made arrangements na to rent a house even before we left Manila. Pinoy yung landlord so pumayag sya na upon arrival nalang lahat ng formalities (contract signing, payments...) Anyway, when we got home, nag-unpack lang kami to find the blankets tas ayun, naghigaan na kami sa sahig (carpet naman so ok lang) and then tulog na. that was like 1 palang ng hapon pero antok na antok na kami.

anyway, we woke up around 7 or 8, maliwanag pa. as in parang 4pm sa manila. and they picked us up to go to the superstore para may pagkain naman kami for the night. syempre, sa grocery, in awe kami at first. almost everything was below $5. parang ang mura. eh well hindi pala. kasi magkaiba ang $5 sa P5.

so we got home from the grocery at around 10pm. shortly after, tulog na naman.

DAY 2:
we all woke up at around 3am. grabe. so since gising na lahat, we decided to go downtown.

we went to the nearest bus station which is a block from here lang and waited for like 20 minutes. may sched pa naman. but syempre, super excited, we left mga 20 minutes before the sched. ganda ng bus. we bought bus tickets before hand coz it's cheaper daw. a ride cost $2.50 (so mga 100pesos yun...) tas kasama na dun yung train.

Fish Creek-Lacombe Station, C-Train

i like riding the train. and ganda kasi ng sights. well i liked riding mrt in manila but mejo nakakadepress yung mga makikita mo especially in the guadalupe area.

anyway, sa downtown, we got our social identification number and our health insurance.

we got home ng mga 2pm. lahat kami groggy na sa antok.

woke up at 8pm to have dinner. well i did eat dinner pero di mo ko makakausap ng matino. i was half awake the whole time and very bugnutin.

DAY 3:
again we woke up early in the morning... for oversleeping nagka migraine na ko. so we decided not to sleep in the afternoon. naglakad nalang kami sa neighborhood ni faye. we walked at our back alley tas inikot lang namin yung side namin of the block. pagdating namin, syempre nawala ang antok, but after dinner, mga 730 ng gabi, tulog na agad kami.

DAY 4:
it was a saturday so we went to church nung hapon. then we were invited to a potluck party na puro pinoy family. okay naman. i just felt out of place, kasi kung hindi mga mommies and daddies, kids naman aged 7-12 ang mga bisita. tas lahat sila laking canada na so mejo nose bleed.

hinatid kami pauwi and pagdating namin dito sa bahay, may dining table sa harap with a note. whoa... pinahiram ng another pinoy new found friend ni mommy. ayos.

DAY 5:
the next day, mommy decided to do the laundry. natuwa sya kasi yung labada, paglumabas, semi tuyo na. ako, natutuwa maghugas ng plato kasi warm water ang gamit.

tas late in the afternoon, may dumating na sofa and side table. kamusta naman yun? dumadating nalang bigla ang mga furnitures!

Oh! and pinahiram din pala kami ng radio w/ cd player. Para di naman daw kami ma-bore since wala kaming TV.

DAY 6:
we went to the public library at natuwa ako ng sobra. para kang pumasok sa fully-booked tas pwede ka manghiram. you can even borrow cd's and dvd's eh. and infairness, mejo decent naman ang collection nila. may timbaland, jt... tapos 3 weeks yung due date. saya! went home with 2 books and 2 cd's

DAY 7:
people lent us airbeds on our first night. but by now, slightly deflated na sya so nakakahilo na gamitin. and we were sleeping in the floor again.

we decided to go back to the library kasi wala kaming magawa. returned some of what i borrowed and took home some more. grabe, tuwang tuwa talaga ko sa library.

anyway, by this time mejo nakaka-adjust na kami ng tulog. we were sleeping at around 8pm and we wake up at around 7am. so pwede na. in fact, di ko na nga nakikita yung gabi eh. as it turns out, mga 1030 ng gabi lumulubog ang araw dito. bibo masyado.

STUFF I NOTICED:
Ang daming pinoy. As in never pa ko nagpunta sa isang lugar na walang pinoy. Sa bus, sa train, sa mall... we are everywhere.

Hindi ka ma-O-OP dito, kasi sa labas, mixed-races talaga. as in walang dominant race. you see white people, asians, africans, indians... you name it. as in multi colored ang world dito. anyone would fit-in perfectly.

No comments: