Oath Taking

2 pm ang schedule ng oath.
But we have to be there 2 hours before daw for registration.
Ano to airport?

But anyways, i was there at 12:30.
Sobrang init! Tas kelangan pumila ang guests sa arawan.
Buti nalang yung mommy ko may dalang payong.
Girl Scout talaga sya.
So we were waiting there outside.
Mejo nasigawan pa nga kami ng usher.
2pm na daw, so kelangan na pumasok.
Tama na ang picture.

Anyway, mabilis lang sya natapos.
May mga speeches tas singing of Supreme Court Hymn.
Yes. Meron pala nun. Ngayon ko lang nalaman.

Ang importante dun eh accepted na kami to be members of the Philippine Bar.
Nung tinanong nga if there's any objections, natahimik lahat eh.
Pero buti naman, wala na nag-object. Mejo lang ah.
Anyway, the order accepting us, is immediately executory.
Meaning. Wala nang bawian. Woohoo!
Around 3 or 4 tapos na yung ceremony.
Ang matagal is yung paghahanap ng parents.
Pinaiwan kasi yung cellphones and camera.

Pero grabe ha.
I was wearing high-heals and more than 4 hours na ko nakatayo.
Intense ang sakit ng paa ko.
Whenever I sit down, I get this nangimay feeling in my feet. Yung prickly feeling habang bumabalik ang dugo sa toes ko.

Tas kelangan ko pa maglakad ng 2 blocks papuntang Harbor Square kasi coding kami.
Iniisip ko palang, naiiyak na ko.
Pramis, onti nalang, my feet will bleed.

Buti nalang, my mom has driving sandals.
di na nga ko umabot hanggang car namin, pinakuha ko nalang kay daddy.
syempre, di masyadong bagay sa cute dress ko, pero I DON'T CARE.

Anyway, napagsabihan tuloy ako ni daddy about wearing those kind of shoes.
It's unsafe daw.
Hmmm... I never saw it that way.
Parang hinalintulad nya ang pagsuot ng high heels sa pagsakay sa motorsiklong walang helmet.
Pero may point sya.
Dahil paglabas ko ng PICC, gusto ko nang maghanap ng wheelchair.
Unsafe talaga sya.


No comments: